Tuesday, July 5, 2011

Matatalo na, nanalo pa..

Nakahanda na ang mga sandata at sumugod na ang mga alagad. Takbo sa taas, sa baba at sa gitna. Bawat lugar na puntahan mo, siguradong may kaharap ka. Sa bawat tira mo, siguradong may ganting aabang sa’yo. At sa bawat pagpatay mo, katumbas nito’y iyong pagkapanalo.
Nung araw na iyon, ako ang pumwesto sa gitna dahil alam kong lamang ako sa aking kaharap kasi pangmalayuan ang gamit ko. Pana dito, pana doon. Patay na ang alagad nya at umatras ang takot na takot nilang pinuno. Sugudin na ang tore! Kaboom! Nandoon pala ang isang kakampi nila, hindi ko namalayang inabangan ako at pinagtulungan ako. Patay! Hihintay nanaman ng dalawampung segundo.

Samantala, sa taas ay abalang abala ang salamangkero kong kakampi. Napatay nya pala ang isa sa aming mga kalaban. Ayos! Malaking pagkakataon ito para wasakin ang isa pang tore. Biglang may ilaw na lumabas, buhay na pala uli ako. Bumili na ako ng mga dapat bilihin para handa sa susunod na laban; mga malalaking gamit na kasing lupit ng kidlat.

Malalakas ang mga nakalaban namin, walang duda. Isang salamangkero, isang lumilipad na nilalang na di mo mawari kung ano at isang kabalyerong umiilaw-ilaw pa, jejemon ata. Pero tamang diskarte ang ginawa namin para piliting manalo. Sila, panay sugod lang, di iniintindi ang kampo nila na sinusugod na pala ng mga alagad naming puno. Umasa silang mananalo na sila kaya di na sila umatubiling bumalik sa kanila.

Napatay nanaman nila ako. Nakakainis! Hihintay nanaman ng isang minuto. Patay nanaman. Isa pa. Ouch! OA ka na ha! Pero mukhang bumabawi ako sa aking mga kasamahan dahil tila ay mas malakas na sila di tulad sa aking inaakala. Kaya ‘di ako sumuko. Susugod pa kami hangga’t kaya.

Sira na ang mga tore namin at napasok na nila ang kampo namin. Pero, kagaya ng sa amin, sira na din pala ang sa kanila at napasok narin sila ng aming mga alagad. Mukang mas malakas sila. Ayan na, may lumapit na nilalang! Papanain ko na ng pampabagal ng takbo! Kaboom! Patay ang huklubang salamangkerong kalaban namin. May isa pa pala. Buti nalang malalakas ang kakampi ko, nabawi ko ang bilang ng aking pagkamatay sa bilang ng mga napatay ko. Makakahabol pa pala kami! Sugod!

Naging malaking advantage sa amin ang pagkapatay nilang lahat kaya sumugod kami habang wala sila. Malapit na, nadito na kami sa harapan ng kampo nila. Dumating ang kalabang salamangkero. Pinana ko sya ng pampabagal para hindi sya makatakas habang pinagtutulungan namin sya. Patay nanaman. Sugod pa!

Akala namin ay mawawasak na ang buhay ng aming kampo. Hindi pala. Kaya pang habulin. Kaya ‘yun, dumeretso kami at halatang takot na takot na ang mga kalaban dahil ang akala nila ay mananalo na sila. Mali sila! Ito na, nawasak na namin ang dalawang toreng humahadlang sa aming daan. Bang! Malapit na! Buti may butterfly ako. Manta style! Naging tatlo ako. Astig!
Wala nang nagawa ang aming mga kalaban kundi tingnan na lamang kami habang winawasak ang buhay ng kampo nila.

Ito na! Booom! Wasak! Panalo na kami… Matatalo na, nanalo pa.
Sino nanaman kaya ang kalaban namin bukas? Magpapahinga muna ako, buti may salve ako.

-Traxex

0 comments:

Post a Comment